remembering our era
NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps,Bowling Green, G! ray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong magbutterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah, Tickles and Regina's in Shoppesville.
4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.
6. Wala pang videoke kundi karaoke.
7. Ang preso lang may tattoo.
8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie sa Batibot.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkaka-gastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate. (Buddy Bear)
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng Swatch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista was a campus politician.
29. P18 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. Illegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians 34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
Naaalala mo pa ba mga panahon na ito??? Pwes, pakita mo 'to don sa mga naaalala mong kaibigan na kasing TANDA na tulad mo.
OUCH!!!
o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o
You first saw Herbert Bautista in Kaluskos Musmos and you wondered why Dranreb could not pronounce the letter "R" - lalaki pa siya nuon.
Ang major car accessory was the musical backup horn.
Dig-man ang pinaka-sikat na halo-halo.
Buying Vick's candy - triangular in shape, regular and kalamansi flavor. Ang mga candy/bubble gum na bilog na iba't-ibang kulay ay lima sinko - yuong puro pula na bubble gum ay yuong cherry balls.
Nakakabili ka ng Greenwich pizza na kalahati lang, sabay aliw na aliw ka sa vendo machines dispensing softdrinks in a cup (waxed paper) and not in cans. Kung tumagilid ang baso at natapon ang binubuhos na softdrinks eh pasensiya ka.
Nagpalit ng theme song ang John en Marsha to the tune of Michael Jackson's "Don't Stop Till You Get Enough." Nagkaroon na sila ng aircon sa barong-barong na bahay pero front cover lang pala.
Baduy na baduy ka sa opening ng TODAS (Television's Outrageously Delightful All-star Show) on Channel 13 with Val Sotto, Spanky Rigor, and Freida Fonda.
Si Bibeth, Mang Tem-I, Miss Tapia, Mary at si Tonette Macho ang kasama ni TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie D' Horsie.
Nakikipag-debate ka kung sino ang mas magaling... si Officer John Baker or si Officer Frank Puncherelo sa CHIPS.
Inaabangan mo kung anong gagawin ng A-Team para makatakas at makabawi sa kalaban nila - ano ba 'yan, wala namang namamatay na kalaban kahit na anong pagbaril o pagsabog.
Bagong labas lang ang bakya na rubberized (Happy Feet brand) para malambot, hindi na kahoy. Uso ang Espadrille na sapatos, Crayon shoes at Grosby rubbershoes. Bago pa lang labas ang top sider na sapatos - Sperry at Docksiders pa lang ang tatak na U.S., and Haruta Penny Loafers. Wayferer (orig o fake) ang shades mo - feeling Don Johnson, Remington Steel, Tom Cruise (Risky Business) o Madonna.
Ang Walkman mo o yuong nakikita mo ay halos kalahati ng laki ng AM radio. Marami kang nakikitang malalaking cassette/radio player - mga galing Saudi. Pinapatugtog mo ay mga tapes na pirata na may lyric sheet pero mali-mali naman ang lyrics.
Kapag 25c ang ibibigay mo sa nangagaroling na mga bata eh hindi ka kakantahan ng "Thank you, thank you, ang babarat ninyo thank you."
Singko lang ang 1 fishball. Wala pang squid ball o kikiam.
Magaling ka sa Math kasi mayroon kang ballpen na mataba at may built-in multiplication table na iniikot at yuong ballpen na napakaraming option sa kulay ng tinta, karamihan ay hindi makita o natuyo na ang tinta.
Texas or Tarzan bubble gum ang binibili mo na kahit anong gawin mo ay hindi maaalis sa buhok mo kung mapadikit.
Gusto mo rootbeer, Sunta & Mirinda orange, RC cola, Yes cola and Sarsi with egg with Danny Vanni - masarap na, masustansiya pa.
Watching the Caronia nail polish advertisement sa TV with the 4 pa-sexy girls.
On Sundays, watching music videos on VH1 or Video Hit Parade (they used to be called "film clips" - wala pang MTV sa Pinas) before noon, then Spin-A-Win at lunch time (Jeanne Young - "Agree or Disagree?"), Lovingly Yours (Helen Vela - Channel 7) or Happy Days & Electrawoman and Dyna Girl (Channel 9) in the early afternoon, and then Superstar (Nora Aunor and German Moreno - Channel 9) at dinner time, and capping it all off with Penthouse 7 and Marvelous Golden Movies (MGM).
Archie Lacson as dancing guru sa Discorama with Bobby Ledesma and Tito, Vic and Joey.
Lotlot. Lotlot and Monching. Lotlot and Friends. That's Entertainment (not!). That's Entertainment Saturday Edition.
Uncle Bob Lucky 7 Club show on Channel 7. Bakit ganon lang ang prizes niya.
You had a 2-Peso bill (color blue) in your wallet. Puro ganoon pa ang binibigay ng lolo/lola tuwing Christmas.
Ang piso na dirty ice cream ay yuong matamis na apa na ang ginagamit at marami pang scoops, minsan ay may chocolate dip pa. Bring your own baso sa ice skrambol pero hindi pa uso ang powdered milk at chocolate syrup.
Ang standard greeting ay "give me five" na nag-evolve into "appear".
Biggest name in ice cream ay Magnolia kaya inaabangan mo ang susunod na Flavor of the month. Kung gusto mong mas bongga eh di Magnolia Gold Label, yung "Double Dutch" chocolate flavor ang pinakamasarap. Papel lang ang mga balot ng frozen delights - hindi pa foil except yuong vanilla ice cream wafer sandwich nila. May Sundae sila na tinatanggal ang top cover at nilalagay sa ilalim para maging base. Kapag nag-a-attend ka ng B-day party ng bata imbes na regular B-day cake eh Magnolia Ice Cream cake ang mayroon (carousel or yuong puro flowers). Pero masarap din ang sweet corn flavor ng Selecta.
Ang Christmas package na inuuwi ng magulang mo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na chinese ham (buong leg na nakabalot ng craft paper at plastic na net na kulay pula).
JD (red and black), MCL (Blue and Yellow), DM (white and blue) bus lines, Love Bus (the only aircon public bus). Pati na rin yuong bus sa Quiapo na walang pinto pero open yuong isang side - dito daw natutong mag-stuntman si Lito Lapid.
Pumupunta ka sa music store para tumingin ng LPs, 45, at Jingle magazine o Songhits. Pwede mo lang pakinggan ang plaka kung bibilhin mo na talaga. Hindi pa uso ang e-mail kaya all your dirty jokes came from the "Grin Page" in the back of Jingle magazine.
Ang bakla lang sa showbiz ay si Georgie Quizon (utol ni Dolphy) and Sandy Garcia (mestisohin na may bigote, kulot ang buhok, at balbunin).
Nagkakabuhol-buhol ang cord ng remote control ng Betamax niyo dahil buong araw ka nanonood. Break mo lang ay para kumain, mag-CR at para lumamig uli ang Betamax unit. Madali pang dumumi ang head kasi hindi pa uso ang rewinder. Kung mayroon na kayo eh one way lang siya – rewinding lang wala pang option na forward.
Pinakamabentang poster ay kay Shaun Cassidy, Leif Garrett, Bruce Lee, Scott Baio, Farrah Fawcett, Phoebe Cates, and Bo Derek (kuha sa movie na "10"). Kung sosyal ka, showbiz magazine mo ay Tiger Beat. Kung baduy ka eh Jingle Extra Hot.
Pinapanood mo at pinakikinggan ang Menudo with Robbie Rosa as the most sikat of all members. Nakyu-kyutan pa lang kayo kay Ricky Martin kasi siya ang pinakamaliit.
Nilalagnat ka at Royco chicken noodle alphabet soup ang kinakain mo - haluan mo pa ng dinurog na Skyflakes.
Hearing Bert Tawa Marcelo's laugh - bawa't tawa was P50 dawang talent fee niya.
Shutting off your TV and watching that white spot in the middle of the screen slowly disappear.
Pagandahan ng metal lunchboxes (various cartoon or movie themes) with matching Aladdin or Thermos brand na termos na madaling mabasag ang loob.
Sumasakay ka sa jeepney na puro kabayo ang hood, tad-tad ng mahahabang antenna, at halos natakpan na ang windshield ng 8-track na tapes.
Watching and listening to the We Are The World version of the Philippine National Anthem.
Watching movies sa Rizal Theater (Shangri-La Hotel na ngayon) at MagallanesTheater - (giniba na).
Drinking Mango Brutus nang madalian sabay sakit ang ulo dahil sa sobrang lamig - brain freeze.
Buying Cattleya notebooks, Funny Friends scented ballpens, and other school supplies at Alemar's and Gibson's bookstores. Ang pad paper nabibili na 1/2 lengthwise, 1/2 crosswise and 1/4 sizes para sa mga quiz.
Lahat ng PBA at Holiday on Ice ay ginaganap sa Araneta Coliseum. Hindi pa uso ang "ending".
Lahat ng waiters sa Shakey's Pizza Parlor ay may suot na Styrofoam na sumbrero (yellow with red strip of paper with Shakeys printed on it). May mini version pa sila para sa dulo ng antenna ng radyo o TV. Panonoorin mo pa kung paano ginagawa ang pizza sa viewing window nila.
Sa Quiapo at Binondo pa pupunta para makabili ng talagang masarap na hopia. Tapos shopping ka na sa Good Earth Emporium at Sta. Cruz (Uniwide na ngayon) and be amazed by their candy selection on trays in a conveyor-belt type of machine.
Maalikaya when it first opened. When it was first raided and closed. When it was re-opened. When it was re-raided and closed. When it was opened again. When it was raided and closed again. When they opened it again. When they raided and closed it again.
ARAY KO ULIT!!!

0 Comments:
Post Comments